Skip to main content

Posts

Showing posts with the label kwentongaral

Pagkakataon na Mahalin Ka | Mga Kuwento ng Pag-ibig sa Tagalog

Narinig niya ang usapan ng kanilang mga classmate pagdating ng lunes. “Si Jeanerd ba 'yan?” “Hindi na siya mukhang nerd.” “Maganda pala si Jeanette, 'no?” Iyon ang iba-ibang komento pagdating ng kanyang kaibigan. Nauna siyang dumating kaysa rito. “Magkano kaya ang ginastos niyang si Jeanerd sa kanyang transformation?” malisyosang komento naman ni Ira. Hindi niya sinasadya, nagkatinginan sila ni Brix. Kumindat ito sa kanya. Napangiti naman siya. Alam niyang simple lang ang ibig sabihin nito sa kindat na iyon – na nagkatotoo na ang hula nila sa magiging reaction nina Ira. Ngunit iba ang naging pakahulugan ni Ira sa nakitang exchange nila ni Brix. Naningkit ang mga mata nito. Akala niya, susugurin siya nito kaya inihanda niya ang kanyang sarili. Pero matalim na tingin lang ang ipinukol nito sa kanya bago nito hinarap ang mga kabarkada nito. Nakahinga siya nang maluwag. Ayaw niya ng problema pero mukhang sinusundan siya niyon. Every afternoon ang practice-training nila